Skip to main content

Indie game storeFree gamesFun gamesHorror games
Game developmentAssetsComics
SalesBundles
Jobs
TagsGame Engines

Ala mas mahaba yata 'to ng isang oras. Binabasa ko pa siya :')

Pero so far nakakatouch, di ko inexpect, lalo na yung istorya ni Mylene. At si Adriel medyo may pagka-Seven (from MysMe) siya.

Anyway, siguro malapit na akong matapos kaya i-email mo na lang ako ^_^

GreenVaneela@gmail.com

Ay nung nilaro namin mga around 1 hour lang haha siguro di ko napansin kasi ako ung gumawa x'D

Di ko napansin ung similarity ni Adriel kay 7 haha, I was thinking na since creature of science sya may pagka-Hanji Zoe sya hihi

Sure thank you!! :'D

Don't worry, mabagal lang ata akong magbasa. Pero, natapos ko na yay! Medyo predictable yung story saka cliche, pero kinilig pa rin ako at nasweetan. Siguro dahil matagal na kong hindi nanonood ng mga teleserye at na miss ko yung feel nila. Pero pinaalala sa akin ng game nito ang feel na yun, kaya yata ako medyo na inlab. In conclusion, I love this game!

May isa lang akong pinaka minor na complaint, parang hindi masyado obvious kung anong dapat mong gawin pagkatapos nung unang ending. Kinailangan ko ng walkthrough >_< Nalungkot ako nung nakuha ko yung unang ending, pero buti na lang talagang dapat manyari yun at hindi ko pinili yung bad choices.

Si Adriel parang katulad ni 7 kasi pareho silang may pagkasira sa ulo at kulang sa manners, pero sweet at loving pala at the end of the day xD

Di ko pa napapanood Attack on Titan kaya di ko masabi kung katulad siya ni Hanji Zoe :'D

Anyway, I really love this game! Good job on making it!

(1 edit)

Yey. Thank you! I think lahat ng story ko medyo cliche. Tho I already mentioned abt it sa taas x'D
But I'm happy that the cliche still works. Ket feeling ko medyo pakorni na ako ng pakorni.
If you have time try mo ReWound 101 //self advertisement. Medyo mas mahaba siya compare dito haha!
'Di na ako nagti-TV din, work kasi eh x'D

It was intentional though but of course, I reconsider na baka may madismaya kasi (SPOILER) by default need mo makuha ung BE's. But still pinush ko OvO); And sorry if nalungkot ka abt it ;w;)/ 'Di kasi ako mahilig sa bad ending, yung previous players ng game ko told me to write bad endings so this happened. I tried.

May manners naman si Adriel... minsan haha!
Aw. May season 2, na nood na x'D Tho di ko din pinanood anime, nagbasa lang ako haha

Thank you for finishing the game! I appreciate it a lot! Hehe

Welcome na welcome ko ang korni! Magandang break mula sa napakaraming games na puro masyadong seryoso yung istorya. At least, yun ang masasabi ko sa mga games na nilalaro ko ngayon.

Ah, sige subukan ko next time! May tinatapos pa akong otome game atm (adik yata ako saklolo naman diyan)

Haha, no no, hindi ako nagrereklamo na may bad ending 'tong game na 'to. In fact, nagustuhan ko yung desisyon mong gawin mandatory silang kunin. Kasi kadalasan yung bad endings resulta ng bad choices mo, optional sila at hindi actually parte ng istorya, kaya wala kong pake. Pero, for this game, parte talaga siya nang story, and it feels natural. Hindi ko nafeel na sinulat mo bad endings for the sake of having some bad endings. Hindi sila pointless. At isa pa, pinalungkot nila ako, meaning effective. Kasi may naramdaman akong emosyon.

Babasahin ko sana, pero hindi ako masyadong fan ng ongoing na anime/manga. Wala akong pasensya at mahilig akong mag-binge. Gusto ko talagang tapos na bago ko basahin.

Awww, you're welcome! I enjoyed it!

I am trying to write a more serious storyline for my next game. Medyo nakakapanibago since medyo ang writing slant ko is somewhat light-hearted kasi ayoko ma-stress. Ayoko din ma-stress ung naglalaro haha! Usually na-stress din ako sa ibang nilalaro ko. Otome Games should be fluffy since it's for Otomes :'>

Hahaha! May tinatapos din akong mga otome game pero di ko matapos kasi may in-encode din ako at the same time x'D
Medyo lutang na ako haha!

Aww thanks! Na-touch mi!
I was thinking din kasi papano ko mae-encourage ang mga players to play every ending for maximum experience sa game. Usually kasi pag mga bad ending, ini-skip lalo na if available ang walkthrough. Gawain ko din yun tbh sa mga nilalaro mi x'D

Medyo nalilito na din ako sa storyline kasi masyadong read-y siya and may pumapasok ng characters out of nowhere. Medyo di ko na naseseryoso basahin OvO); Though medyo mainstream siya so probably wait ka pa ng 2-4 years bago matapos kasi once a month lang update haha!

And sure! Take Care :'D